Take my hand! You are my sanctuary! I'm saying I love you again! Follow @keanfans. Follow @keancipriano. Check www.dearkean.com.
kean edward uson cipriano
28 (Wednesday) - 6Cyclemind, Callalily and Gracenote – 70’Bistro (I’ve posted the details on how to go to 70’s bistro already)
30 (Friday) - Callalily GSM blue tour
31 (Saturday) – Callalily @ Boracay
————————————————————-
Sinong pupunta?
How to go to 70’s bistro?
1. Take LRT-2 (purple line) and go down Anonas Station. Look for a tricycle/PUJ near McDonald’s and tell the driver to drop you in Bistro. It will be on your right.
2. From Espana/E.Rod: Take the Project 2-3 jeep. Isang sakay lang! Bistro will be on your left.
Super saya, saya, saya, saya, saya! As in infinite na kasiyahan ang nadama ko nung araw na yon. Nagkaroon ng isang malaking konsiyerto sa SM MOA concert grounds dahil sa pagdiriwang ng Coca-Cola sa ika-100 taon nila dito sa Pinas. At syempre dahil ang motto nila ay “Open Happiness” nagsabog sila ng saya sa lahat ng dumalo sa nasabing okasyon. Pambihira! Pagsamahin ba naman ang sandamakmak na banda at iba’t-ibang artist sa industriya ng musika na syempre MADE from Pinas! OPM o Original Pilipino Music. Hindi pa rin naman tayo natatalo ng mga foreign bands dyan. Mas madali pa ngang makipag-rakrakan sa mga kapwa natin Pinoy kumpara sa iba. Pareho lang din naman kasi ang mga genre nila. Nakikinig din ako ng mga kantang MADE from abroad. Pero suportado pa rin ako sa sariling atin. Huling-huli kasi nila ang kiliti ng mga katulad ko. May ibang hindi natutuwa, meron din namang napapaheadbang sa sobrang galak. Kanya-kanyang taste sa musika yan e. Nasa tao nalang yan.
Balik tayo sa pinag-uusapan, ang pinunta ko lang naman talaga dun ay ang bandang PNE o mas kilala sa tawag na Parokya ni Edgar. WOOOOOHH!!! Gurabe! Wala pa rin talagang kupas ang bandang ‘to. Ang gentleman ni Chito Miranda. Hindi ko lubos maisip kung ano bang nagyari sakin nung mga panahon na sila na yung nagpeperform. Panay ang headbang ko, super rock sign \m/, at marami pang kabalbalan ang nagawa ko na hindi ko alam kung bakit nawala ang hiya ko habang ginagawa ko yun. Dala yata ‘to ng sobrang paghanga. Halos isigaw ko na ang bawat liriko na aking kinakanta habang sumasabay sakanila. Eto ang unang pagkakataon na makita sila sa personal. Walang pinagbago sa mga YouTube video na napapanood ko. Dabest! Malas lang talaga dahil ang bilis nalowbat ng dala kong kamera. Hindi ko tuloy sila nakunan. Buti nalang at nariyan ang concert buddy ko na kapalayaw ko rin. Nakunan ko pa rin sila kahit papano.
Nagdagdagan pa nga pala ang mga crush kong OPM rakista. Si Mong Alcaraz ng bandang Sandwich at Chicosci! AAAAHHH!!! Ang cute nya lang mukhang bagets. HAHAHA! Isa pa ‘tong si Eunice Jorge ng bandang Gracenote. Nakakatomboy as in! Parang nakita ko si Hayley Williams ng Paramore nung gabi na yun. Kuhang-kuha kasi niya ang pagheheadbang ni HBOMB. Galing! Bonus pa na nahawakan ko ang kamay ni Juggy Jugueta. Eeee… Hanga rin ako kay Ebe Dancel na napakalumanay ng boses. Nasaksihan ko rin ang mga pambihirang pagtatanghal ng 6Cyclemind, ni Gloc-9, Wolfgang, Callalily, Sandwich at maraming pang iba.
Hindi ko na natapos ang concert. Inumaga na ang Sponge Cola, Chicosci, Never the Strangers, at si Rico Blanco. Syang! Pero makikita ko rin sila, balang araw. Sa ngayon, may hangover pa ako sa mga nangyari. Napagtanto ko na dapat maging balanse sa lahat. Sa pinakikinggang musika at sa mga pinipiling arists. Dapat BALANSE.
*PS: Sana’y patuloy pa po nating suportahan ang sariling atin. Malaking bagay po ito sa mga Pilipinong handang maglaan ng oras sa pagsusulat ng mga awiting nilalaan para sa atin.
(via gracenote6)
@keancipriano on the COVER of PINOY MAG February 2012 issue. Grab a copy! It’ll be out tomorrow na:)#creditstopinoymag



